Monday, October 27, 2014

RHEA BORRES-CANONG

By Leah Z Declaro

(Presented letter by letter by the pupils of the Borres-Canong Elementary School in Brgy. Batiti, Concepcion, Iloilo October 27)



R- Regalo mo sa amin ay napakaganda na di malilimutan kahit ninuman. Ikaw ay pinagpala at sa ami’y ibinahagi isang nilalang na may bukod tangi.

H- Hinaing naming ay iyong naramdaman sa kaarawan moy’s sa ami’y inilaan. Tanging may busilak na loob lamang ang makagawa. May pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa.

E- Espesyal na araw nang ika’y ipinanganak ng butihing ina na ang pusoy’s busilak. Kami’y iyong hinandugan ng masayang kaarawan. Sa tulad naming aba, pag-asa ng bayan.

A-Amo ng iyong mukha ay nakakahalina. Alindog ng iyong puso ay napakadakila. Hubog ng iyong isipan ay may magandang dahilan. Repleka ng isang diyosa ng kalangitan.

B-Bakat sa aming puso iyong kabutihan. Nawa’y di magbabago ugaling natutunan. Sa mga magulang na hinubog ng husto. Isan Rheang katulad mo may ginto ang puso.

O- Oktubre ngayon at napakaespesyal. Dinalo kami ng maganda at mukhang sosyal. Sa kanyang kaarawan kami ay hinandugan. Salamat po Panginoon at di mo kami pinabayaan.
R- Rubi na pulang batong kumikinang ang tulad mo. Kami’y nagagalak na bagay maibibigay sa iyo. Dasal sa Maykapal humaba pa ang buhay niyo.

R- Rekado ka na nagpapasaya sa aming buhay. Dahil sa pampalasa ng iyong pusong tunay. Sa init ng damdaming apoy ang taglay. Lumalagablab sa mg mat among mapupungay.

E- Expoxy na dumidikit sa aming mga puso. Kami’y nasisiyahan sa anunsiyo n gaming punong guro. Sa kaarawan mo’y paparito ka hahandog ng salu-salo. Wow! Sinukat pa paa naming may sapatos dawn a bago.

S- Sapat na sa amin na ikaw ay aming nakasama. Sa espesyal na araw puso mo’y nasa amin na.
Kahit anong abala ng oras kami’y naisipan pa. Salamat po Madam Rhea talagang ika’y pinagpala.

C- Charisma mo ay ipinamalas sa tulad naming. Bukod tangi na mumulaklak sa hardin. Paru-paro ma’y lilipad at muling dadagsa mula sa talulot papunta sa iyong puso.

A- Agam-agam naming ay biglang napawi nang makita ang matatamis mong ngiti. Sa ganda mong iyan tulad mo’y isang bituin. Taglay mo’y kislap, liwanag sa amin.

N- Ningning ng iyong mga mata ay kumikislap sa mga babatna’y ika’y isang pangarap. Handog sa ami’y ngayo’y nalalasap. Sa kaligayahan kami ay parang nasa ulap.

O- Orkid ka nakaygandang pagmasdan. Pagmamalasakit sa ami’y ipinaramdam tulad ng diyosang nasa kagubatan.

N- Nais naminna sa iyong kaarawan malakas at makisin sa pangangatawan. Sana’y mananatili ang iyong kabutihan na nakatatak sa aming puso’t isipan.

G- God bless you po mahal naming Binibining Rhea nawa’y ikaw pagpapalain pa. Buhay mo ay hahaba at maging masaya. Magingat po kayo hanggang sa muling pagkita.



No comments:

Post a Comment